PBBM , binigyan ng special recognition ang mga healthcare worker sa Amerika

Sa gitna ng trahedya ,kayo ang naging haligi  ng pag-asa . kayo ang bagong bayaning Pilipino .“

Ganito isinalarawan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga healthcare worker sa Amerika.

Sa kaniyang  talumpati sa Filipino Community sa New york,  sinabi ng Pangulo na  ang Filipino nurses  sa U.S ay  bumubuo sa  apat na porsiyento  at mahigit sa 200 ang namatay dahil sa COVID-19.

Sa New york city lamang  nasa 30 pinoy healthcare workers ang binawian ng buhay .

Ipinarating ng Pangulo ang kaniyang pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng mga namatay .

Samantala, sa panahon ng kaniyang speech ay pinatayo ni PBBM ang mga healthcare worker  na naruon at pinasalamatan ang mga ito  na kinabibilangan ng mga nurse, duktor, teacher,  emergency response workers  , service employees at iba pa.

Kasabay nito ay nagpasalamat muli ang Pangulo  sa kanilang serbisyo  at sakripisyo.

Please follow and like us: