PCG nangako ng buong kooperasyon sa susunod na pinuno ng DOTr

Nangako ang Philippine Coast Guard (PCG) ng buong kooperasyon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Sa isang pahayag, ay sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio M. Abu na makaaasa ang susunod na hepe ng Dept. Of Transportation (DOTr), na patuloy na ipagkakaloob ng PCG sa mga Filipino ang mga serbisyong kinakailangan nila.

Nagpahayag din ng tiwala si Abu, na ipagpapatuloy ni Bautista ang pagpapalawak sa mga inisyatibong nasimulan para sa ekspansiyon ng PCG at sa modernization program nito.

Naniniwala aniya siya sa kakayahan ng papalit na opisyal, dahil sa 26 na taon na nitong karanasan.

Si Bautista ay pangulo at chief operating officer ng Philippine Airlines bago nagretiro noong 2019.

Ayon kay Abu . . . “Nagtitiwala kami kay President-elect Marcos at kanyang desisyon na italaga si Mr. Bautista bilang susunod na Transportation Chief.”

Si Bautista ang papalit kay outgoing Transportation Secretary Art Tugade, na opisyal nang bababa sa puwesto sa June 30, kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-appoint sa kaniya.

Please follow and like us: