PCG tumatanggap na ng mga donasyon para sa mga naapektuhan ng Bagyong Auring

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard na tumatanggap na rin sila ng donasyon para sa mga kababayan natin sa Surigao del Norte at Surigao del Sur na naapektuhan ng bagyong Auring.

Ayon sa PCG, kabilang sa mga maaaring idonate ay food packs, purified drinking water, hygiene kits / toiletries, tents at sleeping kits at alcohol.

Ang mga malilikom na donasyon ay isasakay sa BRP GABRIELA SILANG ng PCG na siyang maghahatid ng relief supplies bukas patungong Surigao.

Ang mga donasyon ay maaari umanong i-drop sa National Headquarters ng PCG sa Port Area sa Maynila ngayong araw.

Madz Moratillo

Please follow and like us: