PCOO , magsusumite ng draft bill sa Senado na magpaparusa sa mga bubuo at gagamit ng troll farm

Handa ang Presidential Communications Operation Office o PCOO na bumalangkas ng panukalang batas na magpaparusa laban sa sinumang gagamit o lilikha ng troll farm.

Sa budget hearing ng Senado lumutang ang isyu ng pagkakaroon umano ng trolls ng PCOO kaya iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maganda kung si Presidential Communications Secretary Martin Andanar mismo ang gumawa ng draft ng bill para mapatawan ng parusa ang sinumang gagamit ng mga trolls.

Bilang tugon sinabi ni Secretary Andanar na gagawa ang kanyang tanggapan ng balangkas ng hinihinging panukalang batas at isusumite sa Senado.

Ayon kay Andanar mas maganda kung maisasama sa panukalang batas ang pagpapataw din ng parusa sa mga magkakalat ng fake news.

Magugunitang sa budget hearing pinag-initan ni Senador Drilon ang mga opisyal ng PCOO dahil sa hinalang ang libo-libong contractual at job order employees ng Presidential Communications group ay trolls.

Vic Somintac

Please follow and like us: