PDP-laban bets, ikakampanya ni PRRD

Personal nang ikakampanya ni Pangulong Duterte ang mga kandidato ng PDP laban.

Sa isang statement sinabi ni PDP laban President Alfonso Cusi na simula sa March 25 magkakaroon na aktibong partisipasyon ang pangulo sa kampanya ng kanilang mga National at Local candidates

bilang Chairman ng PDP laban, buo raw ang suporta ng Pangulo sa kanilang mga kandidato para matiyak na isusulong nila ang mga programa at adbokasiya ng Duterte administration.

Sa kasalukuyan walang pambato ang PDP laban sa pagka pangulo habang si Mayor Sara Duterte ang kanilang sinusuportahang Vice presidential candidate habang umaabot sa 6,592 ang kanilang National at Local candidates.

Nauna nang isinulong ng PDP laban ang kandidatura nina Senador Ronald bato dela rosa at Bong Go pero kapwa sila umurong.

Ayon kay Cusi sa March 25 ilulunsad rin ng Pangulo ang kaniyang 11 point agenda sa kanilang ilulunsad na proclamation rally.

Kasama na rito ang laban kontra korapsyon, pagpapababa ng Poverty rate, Peace and Order, paglaban sa korapsyon, pagwawakas ng pandemya at pagpapaunlad ng ekonomiya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: