PDP-laban Cusi wing, iaanunsyo ang susuportahang standard bearer sa March 25

Magdedesisyon na ang ruling party ni Pangulong Duterte na PDP- laban kung sino ang susuportahang kandidato sa pagka Pangulo sa eleksyon sa Mayo bago ang March 25.

Sa March 25 nakatakda ang opisyal na pangangampanya ng mga local candidate.

Ayon kay PDP laban Secretary General at Secretary to the cabinet Melvin Matibag, naghihintay na ang kanilang mga kapartido kung sino ang susuportahan ng PDP laban.

Pero aminado si Matibag na ilang kapartido nila ang nag- endorso na ng kandidato tulad ni Eastern Samar Governor Ben Evardone pero hindi ito ang posisyon ng buong partido.

Sa ngayon bukod kay Vice presidential candidate Sara Duterte pito ang kandidato ng PDP laban sa  pagka Senador .

1. Dan Marcoleta

2. Robin Padilla

3. Sal Panelo

4.Rrey Langit

5. Greco Belgica

6. Astra Pimentel

7. Loren Legarda

Para kay Presidential aspirant Ping Lacson mahalaga ang endorsement ng Pangulo.

Pero mas importante raw ang reception ng tao sa ground o mga lugar kung saan sila nangangampanya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: