PDP laban, hindi pa nagkakasundo ng i-endorsong mga kandidato sa 2022 presidential elections

Hindi pa nagkakasundo ang PDP laban kung sino ang i-eendorsong mga kandidato sa pagka pangulo, vice president at iba pang kandidato sa eleksyon sa 2022.

Ayon kay PDP laban Secretary General Melvin Matibag, hindi pa ito natalakay sa kanilang ipinatawag na dalawang araw na National assembly noong nakaraang linggo.

Pero inamin niya na kung hndi kikilalanin ng grupo ni Senator Manny Pacquaio ang bagong liderato ng PDP laban maaring magkaroon ng dalawang set ng mga kandidato.

Ipapaubaya naman nila sa Commission on Elections kung sino ang kikilalanin bilang lehitimong mga lider at miyembro ng PDP laban pero bukas pa rin aniya ang partido sa posibleng dayalogo sa kabilang kampo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: