PDP LABAN maaaring magbago ang kanilang line up sa 2022 election

Inamin ng ruling party na PDP-LABAN na maaring magbago ang kanilang line up sa mga kasalukuyang pambato sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay PDP LABAN President Alfonso Cusi , ito’y kung magdedesisyon na si Mayor Sara Duterte na sumbak na sa pampanguluhang eleksyon.

Nauna nang iniurong ng alkalde ang kaniyang mayoralty bid sa Davao pero wala pa itong pahayag sa magiging susunod na hakbang sa pulitika.

Sinabi ni Cusi na ikukunsidera nila ang anumang magiging aksyon ng alkalde lalo na ang suportang nakukuha nito sa publiko.

Nauna nang inamin ni Senador Bong Go na maaring magbago ang kanilang political plan sa 2022 matapos bawiin ng alkalde ang kaniyang certificate of candidacy.

Sa kasalukuyan si Go ang pambato ng PDP-LABAN sa pagka pangalawang pangulo habang si Senador Ronald “Bato” Dela rosa ang kanilang presidential candidate.

Dahil dito , lalong umugong ang balitang tatakbo ang alkalde sa pamamagitan ng substitution.

Meanne Corvera

Please follow and like us: