Pediatric population sa CALABARZON na bakunado laban sa COVID-19, higit 2.1 milyon na

Lagpas na sa 2.1 milyong bata na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang bakunado na laban sa COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 2,104,941 pediatric population ang naturukan ng una at ikalawang dose ng anti- COVID vaccines.

Mula sa nasabing bilang, 967,608 ang fully vaccinated habang mahigit 1.13 milyong bata ang nakatanggap ng first dose sa rehiyon.

Umaabot naman sa mahigit 22.56 milyon dose ng bakuna ang natanggap na ng Region IV-A kung saan halos 18 milyon na ang naiturok.

Moira Encina

Please follow and like us: