People Power laban kay Pangulong Duterte malabong magtagumpay

 

d

Imposibleng magtagumpay ang panawagang People Power laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa alegasyon ng mga pag abuso at pagkakasangkot sa mga kaso ng pagpatay.

Kapwa sinabi nina Senate Majority Leader Vicente Sotto at Senador Panfilo Lacson na mula noong eleksyon hanggang ngayon, mataas pa rin ang popularidad ng Pangulo na umaabot sa 80 percent.

Ayon kay Sotto, karapatan ni Sen. Leila de Lima na manawagan sa publiko na tumayo at ipaglaban ang karapatan tulad ng Edsa 1 laban sa tinawag niyang diktador na Pangulo.

Giit pa ni Sotto, naglalabas lang  ng sama ng loob si de Lima pero mahirap itong makakuha ng suporta sa anumang planong pag aaklas dahil gusto ng taongbayan ang mga ipinatupad na reporma ni Pangulong Duterte.

Ulat ni : Mean Corvera

 

Please follow and like us: