Petsa ng bar exams, muling iniurong

Nausod muli ang petsa ng bar examinations.

Sa bar bulletin na inisyu ni Bar Chair at Justice Marvic Leonen, sinabi na iniurong sa Pebrero 4, Biyernes, at Pebrero 6, Linggo ang pagsusulit.

Ayon kay Leonen, 16.8% ng 8,546 examinees na sumagot sa health status form ang positibo sa COVID-19, kasama sa bahay ng COVID positive o kaya naman ay naka-quarantine dahil direct contact ng nagpositibo.

Nanganganib aniya na hindi makapag- bar exams ang mga ito kung susundin ang naunang iskedyul na Enero 23 at 25.

Kung itutuloy din ang pagsusulit sa mga nasabing petsa, kukulangin ang mga staff ng 16 sa 31 teams na idideploy dahil positibo at naka-quarantine ang marami sa bar exams personnel.

Hinimok ang bar examinees na sumailalim sa istriktong self-quarantine simula Enero 20.

Moira Encina

Please follow and like us: