Pfizer vaccines, nasayang dahil sa storage facility problem sa Muntinlupa city

Pansamantalang sinuspinde ang vaccination activities sa Festival mall sa Alabang, Muntinlupa city habang isinasaayos ang storage facility.

Dahil dito, hindi mapapakinabangan ang hindi pa matukoy na bilang ng Pfizer Covid-19 doses dahil sa naging isyu sa storage facility ng major vaccination site.

Sa statement, sinabi ng Muntinlupa city na hindi na magagamit ang Pfizer vaccine upang tiyakin ang kaligtasan at efficacy nito.

Inaalam pa rin ng lokal na pamahalaan kung ilang doses ng bakuna ang itatapon na.

Sa inisyal na report, nabago ang temperatura ng storage facility na maaaring nakaapekto sa kalidad ng bakuna.

Dahil prayoridad ang kaligtasan ng bawat isa, nagpasya ang lokal na pamahalaan na huwag nang gamitin ang mga bakuna.

Ang mga bakuna ay dapat nakaimbak sa pasilidad na may specific temperature na tinukoy ng mga manufacturer para tiyakin ang kalidad at bisa nito.

Please follow and like us: