Pharmally execs Linconn Ong at Mohit Dargani, inaasahang makakalabas na sa Pasay City Jail ngayong Huwebes

Inaantabayanan ngayong umaga ang paglaya sa Pasay City Jail ng mga Pharmally Pharmaceuticals executives na sina Linconn Ong at Mohit Dargani.

Ang dalawa ay ipiniit sa city jail noong Nobyembre 29 ng nakaraang taon kasunod ng kautusan mula sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ipinalipat ng Senado sa city jail sina Ong at Dargani dahil sa pagtanggi na isumite ang mga financial documents ng kumpanya kaugnay sa imbestigasyon sa sinasabing anomalya sa pagbili ng gobyerno ng mga COVID-19 medical supplies.

Inilabas ng Senado ang release order sa mga Pharmally officials ngayong araw, Hunyo 2.

Ayon sa Senado, 8:00 ng umaga nakatakdang isilbi ng Senate Sergeant-at- Arms ang release order kina Ong at Dargani sa warden ng city jail.

Moira Encina

Please follow and like us: