Phil. national volley team, naghahanda na sa bubble training para sa mga lalahukang torneo

Photo: Philippine volleyball update_fb page

Naghahanda na para sa bubble training, ang Philippine national volley team na gaganapin sa June 15 sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Kasama rin ang Centennial Arena sa Laoag, sa pagdarausan ng ensayo ng mga manlalaro.

Ayon kay Ilocos Norter Governor Matthew Manotoc, nagkausap na sila ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon Suzara, at tinalakay ang magiging set-up ng ensayo ng mga manlalaro.

Photo: Philippine volleyball update _fb page

Ito ay bilang paghahanda ng men’s and women’s volley team ng bansa, para sa mga torneo ngayong taon kasama na ang Asian Championship.

Sasabak ang Philippine team sa Asian Senior Women’s Championship sa darating na Agosto 29 hanggang Setyembre 5 sa Pampanga, at sa Asian Senior Men’s Championships mula Setyembre 12-19 sa Chiba, Japan.

Jet Hilario

Please follow and like us: