Philippine Coast Guard tuloy pa rin ang paglilinis ng oil spill sa Jasaan, Misamis Oriental

Patuloy parin ang ginagawang operasyon ng Philippine Coast Guard para linisin ang kumalat na langis sa karagatang sakop ng Jasaan, Misamis Oriental.

Kasunod ito ng paglubog ng isang abandonadong barko ng Racal Shipping Corporation na MV Tower One noong Sabado.

Ang nasabing barko ay naka-angkla 200 metro mula sa baybayin ng Barangay Luz Banzon nang tumagilid ito at tuluyang lumubog sa tubig.

Ayon sa Coast Guard District Northern Mindanao, nasa 21 drum na ng ‘oily water mixture’ at 30 sako ng ‘oily debris’ ang kanilang na-recover sa Barangay Luz Banzon. Nangako naman umano ang Racal Shipping Corporation na sasagutin ang pinsalang dulot ng oil spill.

Please follow and like us: