Physical closure ng mga korte sa ECQ areas, pinalawig hanggang Abril 11

Mananatiling pisikal na sarado ang lahat ng mga hukuman sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

Sa administrative circular na inisyu ni Acting Chief Justice Estela Perlas- Bernabe, ipinagutos ang pagpapalawig ng physical closures ng mga korte sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang sa Abril 11.

Ito ay sa harap ng extension ng ECQ sa mga nabanggit na lugar mula April 5 hanggang 11.

Kaugnay nito, lahat ng mga pagdinig sa mga hukuman sa Metro Manila at sa apat na lalawigan ay suspendido pa rin maliban sa mga hearing sa mga urgent matters.

Kanselado rin ang mga court actions sa mga hindi urgent na kaso na naka-iskedyul sa mga nasabing petsa.

Pinalawig din ang filing periods sa mga pleadings at iba pang court submissions na matatapat sa nasabing panahon o mula March 29 hanggang April 11.

Ini-extend ang filing periods ng pitong calendar days simula sa April 12.

Gayunman, maaaring maghain ang mga litigant o abogado ng pleadings o court submissions sa mga urgent matters habang pisikal na sarado ang korte.

Moira Encina

Please follow and like us: