Pilipinas, 4 Olympic medals na matapos magwagi ni Paalam

Isa pang medalya ang maiuuwi ng Pilipinas sa Tokyo Olympics matapos talunin ni Carlo Paalam ang pambato ng Uzbekistan na si Shakhobidin Zoirov sa quarter finals ng Men’s Flyweight division.

Dahil dito, nakatitiyak na si Paalam na makakapag-uwi ng bronze medal.

Naging mainitan ang laban ng dalawa sa unang round pa lamang lalo pa at title holder ang Uzbekistan.

Gayunman, itinigil ang laban sa ikalawang round dahil sa head butt, na naging dahilan ng malalim na sugat sa mata ng Uzbekistan.

Dahil dito, pinagbatayan na agad ang scored card upang maideklara kung sino ang nagwagi.


Sa score card ay lumamang si Paalam ng split decision laban sa Uzbekistan kung kaya’t siya ang idineklarang nanalo.


Makakaharap ni Paalam si Ryomei Tanaka ng Japan para sa semi-finals.

Please follow and like us: