Pilot run ng face-to-face classes sa private schools, itinakda sa November 22

Nakatakdang simulan sa Nobyembre 22, ang pilot run ng face-to-face classes sa mga pribadong paaralan.

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, na target nilang isama rito ang 20 private schools kabilang na ang international academic institutions.

Ayon sa kalihim . . . “Ang pormal na simula ng face-to-face classes ay sa November 15 para sa public schools at November 22 for private schools.”

Mula sa inisyal na 100 pampublikong mga paaralan na lalahok sa pilot run, ay hiniling ni Briones na 20 pampribadong mga eskuwelahan ang maragdag sa aaprubahan ng Department of Health.

Aniya, isang international school lang ang nagsumite sa DedEd ng kanilang plano para sa face-to-face classes, na rerebisahin naman ng DOH.

Please follow and like us: