Pinakamataas na death toll ng Covid-19 sa Amerika simula Abril, naitala kahapon

Mahigit sa 2,700 ang naitalang mga namatay sa Covid-19 sa Estados Unidos kahapon, Miyerkules, December 2.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga namatay sa Amerika simula noong Abril.

Sa datos ng Johns Hopkins University, pumapalo sa 2,731 ang mga namatay sa virus kaya umakyat na sa 273,181 ang death toll.

Samantala, naitala naman sa 195, 121 ang bagong mga kaso ng Covid-19 sa US sa nakalipas na 24 oras.

Please follow and like us: