Pinay tennis player na si Alex Eala, pasok na sa semi-finals ng French Open Junior girls doubles

Photo: Alex Eala fb page

Pasok na sa semifinals ng French Open Junior girls doubles, ang Filipina tennis player na si Alex Eala at Oksana Selekhmeteva ng Russia.

Ito ay matapos na talunin ng dalawa sina Petra Marcinko ng Croatia at Natalia Szabanin ng Hungary, sa score na 7-6(7), 7-6(5).

Sa unang set pa lang ng laro ay hawak na ng dalawa ang kalamangan, ngunit nagkaroon sila ng double fault kaya nakahabol ang kanilang nakalaban.

Naging dikitan din ang labanan hanggang tuluyang nakapasok ang mga tira ni Eala at kasama nitong Russian.

Samantala, susunod na makakaharap ni Eala at Selekhmeteva sina Eleonora Alvis at Lisa Pigato.

Jet Hilario

Please follow and like us: