Pitong bagong CA justices, itinalaga ni PRRD

Pitong bagong mahistrado ng Court of Appeals (CA) ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay ito sa appointment letter na natanggap ng Korte Suprema mula sa Malacañang.

Ang mga bagong CA Associate Justice ay sina: Mercedita Dadole-Ygnacio, Jaime Fortunato Caringal, Eduardo Ramos Jr., Jill Rose Jaugan-Lo, Jose Lorenzo Dela Rosa, Rex Bernardo Pascual, at Emily San Gaspar- Gito.

Pinunan nila ang mga iniwang puwesto nina dating CA Justices Priscilla Baltazar- Padilla, Ricardo Rosario, at Jhosep Lopez na pawang itinalaga na Supreme Court justices.

Gayundin, nina dating CA justices na sina Cecilia Librea- Leagogo, Edgardo Lloren, Elihu Ybañez, at Franchito Diamante.

Moira Encina

Please follow and like us: