Pitong bayan sa Laguna, wala nang aktibong kaso ng COVID-19

COVID-free na ang pitong bayan sa Laguna.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Laguna Provincial Health Office nitong Nobyembre 22, wala nang aktibong kaso ng COVID-19 ang mga bayan ng Alaminos, Majayjay, Lumban, Pangil, Luisiana, Rizal, at Famy.

Sa kabuuan ay bumaba na sa 282 ang active cases ng virus sa buong lalawigan.

Ang may pinakamaraming aktibong kaso ay ang Calamba City na 65 at sumunod ang Santa Rosa City na 55.

Mula nang magsimula ang pandemya ay nakapagtala ang Laguna ng 99,846 na kumpirmadong kaso ng sakit.

Sa nasabing bilang, gumaling na ang mahigit 96,000 habang pumanaw ang lagpas 3,000 COVID patients.

Moira Encina

Please follow and like us: