Pitong libong Pfizer/BioNTech vaccines natanggap na ng Taguig City

Natanggap na ng Taguig City ang pitong libong Pfizer/BioNTech vaccines na agad dinala sa Lakeshore Mega Vaccination Hub.

Kasabay nito ay sinimulan na rin ang rollout ng bakuna, na sinaksihan ni Mayor Lino Cayetano, kasama ang WHO Representative to the Philippines na si Dr. Rabindra Abiyasenghe.

Kasama rin sa sumaksi sina Sec. Carlito Galvez, Jr., Sec. Vince Dizon, USAID Philippines Office of the Health Director Michelle Lang-Alli at mga kinatawan ng DOH at UNICEF.

Ang unang tumaggap ng 1st dose ng bakuna ng Pfizer/BioNTech ay si Floro Hernandez, 89 years old na dating chairman ng Bgry. Bambang.

Ayon kay Major Cayetano, ipagpapatuloy ng lungsod ang mga pagsisikap na mapalawak pa ang vaccination initiatives, upang lalo pang makapagbigay ng serbisyo sa mga Taguigeño.

Ulat ni Archie Amado

Please follow and like us: