PNP Bataan Maritime Group kaisa sa pagdiriwang ng Labor Day


Ang buong puwersa ng PNP Bataan Maritime Group, ay nagbibigay pugay sa mga manggagawang pilipino sa pagsapit ng Labor day ngayong Mayo Uno 2021.

Kaugnay nito personal na pinangunahan ni station chief Pol. Maj. Leoncio Alcantara ang pamamahagi ng polyeto o flyers sa mga manggagawa, partikular na sa factory workers ng Freeport Area of Bataan sa bayan ng Mariveles.

Binigyan diin ni Alcantara ang pagpupugay sa mga manggagawa sa Bataan na patuloy na itinataguyod ang kapakanan ng kani-kanilang pamilya sa kabila ng kinakaharap na krisis ng ekonomiya ng bansa, kung saan marami ang nawalan ng hanap-buhay dahil sa pandemya.

Pinaigting naman ng PNP Bataan Maritime Group ang pagpapatrulya sa karagatang kanilang nasasakupan, upang lalong maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng publiko laban sa ibat-ibang uri ng kriminalidad sa karagatan o mga baybaying dagat.

Ulat ni Larry Biscocho

Please follow and like us: