PNP Chief Carlos, pinagpapaliwanag sa pagbagsak ng chopper sa Quezon

Pinagpapaliwanag ni Senador at Presidential aspirant Ping Lacson si PNP Chief General Dionardo Carlos sa pagbagsak ng isang chopper sa Real Quezon na ikinamatay ng isang crew.

Ayon kay Lacson na dating PNP chief, dapat ipaliwanag ni Carlos kung ito ba ay official mission o para lang sa kaniyang personal na interes.

Nauna nang napaulat na susunduin umano si Carlos sa Balesin island ng naturang chopper bago ito bumagsak.

Bilang PNP chief dapat magsilbi itong leadership by example at hindi ito dapat gumagamit ng resources ng PNP.

Hindi niya raw pinagbibintangan si Carlos pero dahil sa nangyaring aksidente dapat itong magpaliwanag sa publiko.

Meanne Corvera

Please follow and like us: