PNP, maglalagay ng help desk malapit sa mga sementeryo

Nakipag-ugnayan na ang Phil. National Police (PNP) sa mga lokal na pamahalaan, para sa paglalagay ng police assistance desk malapit sa mga sementeryo.

Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, na inaasahan nilang sa susunod na mga araw ay magsisimula nang dumagsa ang mga tao sa mga sementeryo, dahil isasara ito mula Oct. 29 – Nov. 2, 2021.

Aniya, dahil may pandemya pa rin kayat parehong guidelines ang ipatutupad gaya ng nakaraang taon.

Ipinag-utos naman ni Eleazar sa kaniyang mga tauhan, na tiyaking masusunod ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Una nang nagkasundo ang Metro Mayors, na isara ang lahat ng pangpubliko at pangpribadong sementeryo simula sa Oct.29 – Nov.2, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Please follow and like us: