PNP, nakapagtala ng 184 karagdagang recoveries, 1 bagong namatay mula sa Covid-19

Nakapagtala ng panibagong 184 panibagong mga gumaling sa Covid-19 ang hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa datos ng PNP Health Service ngayong May 28, 2021, pumalo na sa kabuuang 21,766 ang recovered cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nakapagtala naman ng karagdagang 200 kaso ng virus infection kaya umakyat na sa 23,571 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa PNP.

Mula sa nasabing bilang, 1,740 ang aktibong kaso.

Mayroon din panibagong isang namataykaya umakyat na sa 65 ang death toll.

Please follow and like us: