PNP, nakapagtala ng 63 bagong recoveries mula sa Covid-19

Umaabot na sa 48,415 ang bilang ng mga nakarekober sa Covid-19 mula sa hanay ng Philippine National Police.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP Health Service ng karagdagang 63 recoveries ngayong araw.

Samantala, pumalo na sa 48,745 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya matapos makapagtala ng bagong 7 kaso.

Habang nasa 202 naman ang aktibong kaso.

Wala namang naitalang bagong pumanaw sa karamdaman kaya nanatili sa 128 ang death toll.

Please follow and like us: