PNP, nakapagtala ng bagong 126 recoveries mula sa Covid-19

Umakyat na sa 38,206 ang kabuuang gumaling sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ito’y matapos makapagtala ng bagong 126 recoveries ang PNP ngayong araw, October 4, 2021.

Samantala, batay rin sa datos ng PNP Health Service ngayong araw, nakapagtala rin ang PNP ng bagong 68 kaso ng virus infection.

Dahil dito, pumalo na sa 40,245 ang kabuuang kaso na may 1,920 active cases.

Nanatili naman sa 119 ang death toll.

Please follow and like us: