PNP nakapagtala ng bagong 172 recoveries mula sa Covid-19

Patuloy na nakakapagtala ang Philippine National Police ng mga nakakarekober mula sa Covid-19.

Sa datos ng PNP Health service ngayong June 25, 2021, nasa 172 ang naitalang bagong mga gumaling mula sa virus infection.

Dahil dito, pumalo na sa 25,524 ang recovery cases sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Samantala, may naragdag naman na 130 bagong kaso ng virus sa kanilang hanay.

Kaya umakyat na sa 27,281 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa PNP.

Habang nanatili naman sa 72 ang death toll.

Please follow and like us: