PNP nakapagtala ng panibagong 70 recoveries mula sa Covid-19

Nakapagtala ang Philippine National Police ng karagdagang 70 mga gumaling mula sa Covid-19.

Sa datos ng PNP Health service, pumalo na 21,587 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus infection.

Gayunman, nakapagtala ng bagong 233 mga kaso ng Covid-19 kaya pumalo na 23,376 ang kabuuang kaso sa kanilang hanay.

Pero nasa 1,725 ang aktibong kaso.

Nanatili naman sa 64 ang death toll sa PNP.

Please follow and like us: