PNP Navotas, pinarangalan sa katatapos na 120th police service anniversary

Tumanggap ng parangal ang PNP Navotas sa katatapos na 120th police service anniversarry, na isinagawa sa Camp Crame, at sa pamamagitan ngat virtual conference sa lahat ng regional station sa buong Pilipinas.

Tinanggap no Police Colonel Dexter Ollagin, hepe ng Navotas PNP ang gawad pagkilala bilang Highest Number of Accomplisment
On Top Most Wanted Person.

Dahil na rin ito sa serye ng operasyon na isinagawa ng PNP Navotas laban sa mga pinaghahanap ng batas.

Matatandaan na kamakailan lang ay personal na pinuntahan ni NCRPO Director Police Major General Vicente Dupa Danao, Jr. ang PNP Navotas, upang ipaabot ang kanyang pagbati sa mga ito sa sunod sunod na matatagumpay na operasyon laban sa iligal na droga.

Edison Domingo, Jr.

Please follow and like us: