Police MSgt. mula Iloilo city, ika-74 pulis na pumanaw dahil sa Covid-19

Isang police master sergeant mula Iloilo city ang naitalang ika-74 na pulis na namatay dahil sa Covid-19.

Ayon kay Police General Guillermo Eleazar, 54-anyos ang pumanaw na pulis.

Batay sa ulat ng PNP Health Service, nakaranas ng mga sintomas ng virus infection ang pulis noong June 8, 2021 kaya agad iton gdinala sa pinakamalapit na pagamutan at isinailalim sa RT-PCR test kung saan lumabas na positibo ito sa virus.

Matapos ang 21 araw na pakikipaglaban sa karamdaman at tuluyan nang namatay ang pulis.

Tiniyak naman ni Eleazar na makatatanggap ng mga tulong at benepisyo ang naiwang pamilya ng pulis.

Samantala, apat sa walong police personnel na nakasalamuha ng namatay na pulis ay nagpositibo sa Covid-19 kaya pinayuhan ang mga ito na mag-quarantine.

Isinailalim na rin sa disinfection ang tanggapan ng mga ito.

Samantala, nakapagtala ang PNP ng karagdagang 79 kaso ng Covid-19 ngayong July 1, 2021.

Dahil dito pumalo na sa 27,954 ang kabuuang kaso sa PNP.

Habang umakyat naman sa 26,165 ang bilang ng kabuuang recoveries matapos makapagtala ng panibagong 139 mga gumaling.

Please follow and like us: