Police Sgt. mula Zamboanga city, ika-76 na pumanaw sa PNP dahil sa Covid-19

Nakapagtala ang Philippine National Police ng 76 na mga pumanaw dahil sa Covid-19.

Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, batay aniya sa ulat ng Health Service, namatay ang 48-anyos na pulis noong July 6 dahil sa Severe Pneumonia at Acute Respiratory failure secondary to Covid-19.

Hunyo 30 nang makaranas umano ng tuluy-tuloy na sintomas ng virus ang pulis kaya agad na dinala ito sa malapit na pagamutan at nang isailalim ito sa RT-PCR test, ay nagpositibo ang resulta nito.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Eleazar sa pamilya ng pumanaw na pulis.

Hanggang ngayong July 9, nakapagtala ang PNP ng 139 bagong recoveries at 123 bagong kaso ng Covid-19.

Dahil dito, umabot na sa 27,089 ang kabuuang mga gumaling sa karamdaman habang pumalo naman sa 28,625 ang kabuuang mga kaso na may 1,460 active cases.

Please follow and like us: