Pondo ng PGH isinusulong na maragdagan

Itinutulak ni Senator Sonny Angara na maragdagan ang budget ng Philippine General Hospital ngayong taon na aabot sa dalawang bilyong piso.

Sinabi ni Angara na Chairman ng Senate finance committee, ito’y upang masigurong tuloy-tuloy ang dekalidad na serbisyo NG PGH sa kabila ng panganib ng COVID-19.

Ayon kay Angara, ang PGH ang isa sa pinaka modernong government tertiary hospital kung saan umaabot sa animnaraang libo ang pinagsisilbihan nitong pasyente kada taon.

Nangangahulugan ito na kailangan ng ospital ng mas malaking financial support.

Kailangan kasi aniyang matiyak na magagamot sa naturang ospital ang mga indigent patients na karamihan ay referral ng ibat- ibang ospital sa buong bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: