Portable water purifier, ipinagkaloob ng Israel Embassy sa IP community sa Nueva Ecija

Nakatanggap ang mga katutubo sa Palayan City, Nueva Ecija ng portable water purifier at food packs mula sa Embahada ng Israel.

Si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss ang personal nag-abot ng donasyon na Israeli-made sa mga opisyal ng Samahan ng mga Makakalikasang Katutubong Ayta (SaMaKa).

Courtesy: Israel Embassy

Tiniyak ni Fluss na patuloy na pinag-aaralan ng embahada kung papaano mas maraming Pinoy ang maaabot at makikinabang sa Israeli technology at innovation.

Umaasa ang diplomat na magkakaroon ng access sa malinis na inuming tubig ang mga indigeneous peoples gamit ang nasabing Israeli technology.

Nagsagawa ng product demo ng portable water purifier sa Bacao River ang mga embassy officials.

Moira Encina

Please follow and like us: