Posibleng maging contender sa senate presidency sa 20th Congress, naragdagan pa

0
mace3

Photo: senate.gov.ph

Dumami pa ang posibleng maging contender sa pagka senate president.

Kinumpirma ni Senador Imee Marcos, na kinausap siya ng ilang senador para sumabak sa senate presidency race sa 20th congress.

Hindi pinangalanan ni Marcos ang mga kumausap sa kaniya, pero tumakbo siya sa katatapos na eleksiyon bilang independent ngunit kaalyado ng Duterte block.

Kabilang sa Duterte block sa katatapos na eleksiyon sina Marcos, Senators Bong Go, Ronald “Bato” dela Rosa, Robin Padilla at Senator-elect Rodante Marcoleta.

Sabi ni Marcos, siya man o hindi ang maluklok na susunod na senate president, magpapatupad sila ng reporma sa senado laluna sa budgetary process.

Nais niya ring maging transparent ang Bicameral Conference Committee process, kung saan umano isinisingit ang ilang mga kontrobersiyal na proyekto.

Ayon kay Marcos, “Some senators have approched me with the proposal to be their candidate for senate president. Whoever will be elected by our peers, whether it is me or not, there are certain congressional reforms that need to be undertaken. The most important is reform in the budgetary process. Tgilan na ang mahiwagang bicam.”

Bukod kay Marcos, una nang sinabi ni dating Senate President at Senator-elect Vicente Sotto, na kinausap siya ng mga kasamahan na muling sumabak sa senate presidency race.

Si Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirmang nanghingi sa kaniya ng meeting sina Escudero at Sotto.

Pero hindi niya pa raw nakakausap ang kapatid na si Senator Raffy Tulfo, kaya hindi pa makabuo ng desisyon.

Ayon kay Tulfo, “Nagpahiwatig na po si Sotto at si Chiz, pareho silang nanghingi ng meeting, sabi ko sa kanila pareho na mag-usap muna kaming magkapatid. Kagabi naman nag-usap kami ni Raffy extensively, pero di pa nakapagdi-descern. Di pa rin nakapagde-desisyon. Siguro kung saan si Raffy, eh doon na lang ako. Pero kaya nga, sabi kung una, baky yan? Tinatanong ko si Raffy. Sabi ko yung isa lumapit din sa akin.”

Pero si Senador Jinggoy Estrada, kumpiyansang hindi matatanggal sa pagka senate president si Francis Escudero.

Normal aniya na tuwing magbubukas ang bagong kongreso, maraming pangalan na lumulitang para sa pinakamataas na puwesto sa senado. Pero hindi ito nasusunod laluna kung walang sapat na numero.

Ang tingin ni Senador Jinggoy Estrada, “Everything is still possible, everything is still fluid. We still have one month to talk abouth things to negotiate. Ganyan naman talaga kapag malapit magbukas ang bagong kongreso. I’ve been a witness to that ang everything is still fluid. But I’m confident siguro si SP Escudero will still retain his position as SP.”

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *