Posibleng nag lobby para aprubahan ang pork importation aalamin ng Senado

Pupwersahin ng Senado si Agriculture Secretary William Dar na pangalanan sa susunod na pagdinig ng Senado ang nasa likod ng desisyon ng gobyerno na mag import ng karneng baboy.

Iginiit ni Senate President Vicente Sotto na ang executive order na nagpapahintulot n mag import at ibaba ang buwis sa imported na baboy ay taliwas sa pahayag ng pangulo para sa mas mura at accesible na baboy at iba pang pagkain.

Naniniwala si Sotto na imposible itong lagdaan ng Pangulo kung walang naglobby para dito dahil malinaw naman ang epekto sa local hog industry.

Meanne Corvera

Please follow and like us: