Power transmission operation sa Visayas na naapektuhan ng bagyo, balik na sa normal

Nakumpleto na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagpapanumbalik ng power transmission operation sa Visayas na naapektuhan ng bagyong Dante.

Ayon sa NGCP, pasado alas-8:00 kagabi nang matapos nila ang huling affected line na Paranas-Borongan-Quinapondan 69kV line.

Dahil dito, balik na sa normal na operasyon ang transmission services sa iba pang apektadong lugar.

Tiniyak ng NGCP sa publiko na ipagpapatuloy nila ang monitoring sa bagyong Dante sakaling magkaroon pa uli ito ng banta sa mga transmission facilities.

Please follow and like us: