Presidential candidate Isko Moreno, tiniyak na hindi napapabayaan ang Maynila

Tiniyak ni Presidential candidate at Mayor Isko Moreno na kahit nag-iikot na siya sa iba’t ibang sulok ng bansa para mangampanya, hindi naman niya pababayaan ang kanyang mga obligasyon bilang alkalde ng Maynila.

Giit ng alkalde nama-manage naman nya ng tama ang kanyang oras.

Pero kung wala naman siya sa Lungsod para magsagawa ng campaign sorties, nariyan naman aniya si Vice Mayor Honey Lacuna.

Ngayong araw, sa Laguna naman nag-iikot sina Mayor Isko at running mate na si Doc Willie Ong.

Kasama rin nila ang kanilang 3 kandidato sa pagka Senador.

Pero bago tumulak patungong Laguna, inspeksyon muna niya ang libo libong food security boxes na ipapamahagi sa 700 libong pamilya sa Maynila.

Bahagi ito ng COVID-19 response program ng Manila LGU para matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: