Presyo ng produktong petrolyo, tataas na naman ngayong linggo

Mahigit piso ang itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito na ang ikapitong sunod na linggo na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, tataas ng P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.05 ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel, at 65 centavos ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ang dagdag presyo bukas ng umaga, Pebrero 15.

Please follow and like us: