Prioritization sa bibigyan ng anti-Covid vaccine, nais gawing batas

Nais ni Senate minoriy leader Franklin Drilon na gawing batas ang prioritization ng mga mabibigyan ng bakuna kontra Covid-19 ng administrasyon.

Ito’y para matiyak na hindi mapupulitika ang bakuna at mabibigyan ng prayoridad ang Vulnerable sector.

Paglilinaw ng Senador, wala siyang sinasabing napupulitika ang isyu pero kailangan aniyang maging malinaw sa batas ang guidelines sa mga prayoridad na mababakunahan para hindi magamit sa personal na interes ng mga nakaupo sa Gobyerno.

Kabilang na rito ang mga Frontliners, Senior Citizens, mga mahihirap na kabilang sa 4P’s at mga Economic workers na tumutulong sa pagpapasigla ng ekonomiya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: