Booster shot sa private sectors ipinakukonsidera rin sa gobyerno

Inirekomenda ni Senador Sonny Angara na isama ang mga nasa pribadong sektor sa mga mabibigyan ng booster shot.

Ayon sa senador may sapat na suplay ng bakuna ang gobyerno na sapat rin para sa mga manggagawa sa mga nasa private sector.

Nauna nang umapila ang business organizations sa gobyerno na maisama ang kanilang mga empleyado at kanilang pamilya sa mabibigyan ng booster shot.

Paalala ni Angara ang sektor na ito ang pinakamatinding naapektuhan ng pandemya at dapat lang na isama sila sa priority ng pamalahalaan.

Malaking tulong aniya ito para sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: