Probinsya ng Aklan nakapagtala ng 10 bagong kaso ng COVID-19

10 bagong kaso ng Covid 19 ang naitala sa lalawigan ng Aklan. 


8 sa mga ito ay mga local cases habang ang 2 naman ay mula sa locally Stranded Individual.


Sa ngayon patuloy ang ginagawang monitoring at contact tracing sa lalawigan ng Aklan upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit at hindi na madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa Probinsya.

Nagpapaalala naman ang mga opisyal ng Aklan Provincial Gov’t sa publiko na patuloy na sundin ang mga health protocol na umiiral sa bansa kagaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield at ang pagsunod sa social distancing.


Ulat ni Lads Ventura.

Please follow and like us: