Produksiyon ng ‘Black Panther: Wakanda Forever,’ pinatigil hanggang 2022

Photo: Tolga AKMEN / AFP

Hinto muna sa ngayon ang produksiyon ng ‘Black Panther: Wakanda Forever’ ng Marvel Studios, habang nagpapagaling pa ang lead actress nito na si Letitia Wright, bunsod ng isang on-set injury.

Ang Marvel Cinematic Universe sequel na nasa ilalim ng direksiyon ni Ryan Coogler, ay nagkaroon na ng maraming pagbabago mula nang una itong ipalabas.

Una nang inihayag ng Marvel Studios na hindi nito ititigil ang produksiyon, ngunit kamakailan lang ay inanunsiyo na ipalalabas ang pelikula sa November 11, 2022 mula sa dating petsa na July 8, 2022.

Noong nakaraang Agosto ay nasangkot si Wright sa isang aksidente habang nasa location shooting sa Boston.

Noong una ay inakalang hindi malubha ang naging pinsala ng aktres, ngunit lumilitaw na hindi ito ang kaso.

Ang sequence na kinunan ay kinasasangkutan ng isang stunt rig. (AFP)

Please follow and like us: