Provincial Ordinance ukol sa pagbabago ng oras ng Curfew sa Cavite Inamiyendahan na.

Inamiyendahan na ang Provincial Ordinance sa Cavite Province ukol sa pagbabago ng oras ng Curfew sa buong lalawigan. 


Batay sa Provincial Ordinance No. 307-2020, ang curfew hours sa buong Cavite ay magsisimula na ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.


Hinihikayat naman ng mga opisyal ng Sangguniang panlalawigan ang publiko na sundin ang inilabas nilang ordinansa na bahagi pa rin ng pag-iingat laban sa banta ng Covid 19 sa bansa. 


Epektibo ang naturang Ordinansa sa buong Cavite ngayong Huwebes, Nobyembre 26.

Ulat ni Jet Hilario

Simula ngayong araw, Nov. 26, 2020 ang effectivity ng bagong oras ng Curfew sa buong Cavite.