120th Independence Day Celebration sa Surigao City, Surigao del Norte dinaluhan ng mga Surigaonon

Ipinagdiwang ng Surigao City kasama ng Sambayanang Pilipino ang pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas ngayong ika-120 Araw ng Kalayaan, na may temang “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.”

Ito ay pinangunahan mismo ni Mayor Ernesto T Matugas kasama ang mga opisyal ng Lungsod at mga opisyal ng Lalawigan ng Surigao del Norte.

Dumalo rin ang mga empleyado mula sa National Agencies, mga estudyante mula sa ibat ibang paaralan.

Ang maikling programa ay isinagawa sa harap mismo sa tanggapang lungsod sabay sa pagwagayway sa bandila ng Pilipinas.

Ulat ni Jabes Juanite

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *