Leader ng MILF arestado sa drug buy-bust operation ng PNP sa Pagadian City

Arestado ang leader ng Moro islamic liberation front sa isinagawang drug buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit sa National Higway, Aid Compound Barangay Banale sa Pagadian City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Askim Andam, 23 anyos, platoon leader ng 105th based command central Mindanao front, at residente sa Barangay Payong, Bayan ng Sultan Naga Dimaporo, sa Lanao del Norte.

Gamit ang 300 pesos na marked money, isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipagkita sa suspek sa Barangay Banale.

Nang magkapalitan na ng droga at marked money agad nagbigay hudyat ang pulis sa kanyang kasamahan at inaaresto ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na pakite na hinihinalang shabu, at 300 pesos na marked money at kanyang id na nagpapatunay na leader siya sa MILF.

Ayon sa PDEU-Zamboanga del Sur dati na umanong sumuko ang suspek sa kanilang bayan sa kasagsagan pa ng Oplan Tokhang.

Limang buwan na umano nilang minanmanan ang suspek at kasali umano ito sa kanilang drug watchlist.

Nakakulong na ang suspek sa PDEA lock-up cell habang inihahanda na ang kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ulat ni Ferdinand Libor

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *