PRRD, bababa sa posisyon na nasa magandang kondisyon ang Pilipinas

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa magandang kondisyon na ang bansa.

Ito ang kaniyang ipinahayag ngayong ilang buwan na lamang ang nalalabi bago matapos ang kaniyang termino.

Sa inagurasyon ng Southern Philippines Medical Center Cancer Diagnostic Institute and Cancer Treatment facility sa Davao City, sinabi ng Pangulo na natupad na niya ang lahat ng kaniyang pangako na bigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino.

Payapa aniya ang kaniyang kalooban na iwanan ang gobyerno sa susunod na administrasyon.

Please follow and like us: