PRRD, muling sasagutin ang Senado sa isinasagawang imbestigasyon sa umano’y anumalya sa gobyerno sa pagharap nito sa Talk to the People mamayang gabi

May Talk to the People ngayong gabi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na bukod sa usapin ng COVID-19 muling magsasalita ang Pangulo hinggil sa mga lumalabas na isyu sa Senado.

Ayon kay Roque mahalaga na ang Pangulo mismo ng sumagot sa mga paratang ng mga Senador sa mga umano’y katiwalian sa pamahalaan.

Inihayag ni Roque hindi masama na ang co-equal branches ng gobyerno ay nagkakaroon ng diskurso para maipaliwanag sa publiko.

Sa Huwebes, September 30 ang susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa usapin ng umano’y overpriced na pagbili ng Department of Health ng Pandemic medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Vic Somintac

Please follow and like us: